ISTARIRAY.com

My Categories

your name:

url:

your message:

January 1st, 2009

purpose & worth

Posted by soulfly at 02:08 AM on January 1, 2009.

klads.jpg picture by makoydakuykoy

Binalikan ko ang Disyembre ng 2007 at nakaka-mesmerize na maraming-maraming-marami akong blessings na natanggap ng taong 2008 lalo na nitong nakaraang buwan.

Una na shempre ang pagbabakasyon ng nanay ko para sa Pasko at Bagong Taon.

Nung launching ng Ani sa CCP, napanalunan ko sa pa-raffle ang eskultura ni Tata Raul Funilas. Soooooobrang bigat talaga ng "mother and child" niya. Shempre pa espesyal ang premyong yun dahil si Tata ang lumikha.

Tas nanalo ako sa office ng $150 at kagabi lang nanalo naman ako ng gift pack. Suwerte talaga siguro ang nakakaapak ng tae.

Napabili ako ng sapatos sa Pony. Sobrang mahal! Php2,500. Mukha siyang canvas pero hindi. Gamosa sya. Saka ang ganda ng design kaya napabili na ako. Medyo malaki ng konti ang sapatos. Allowance para magamit ko ng mahabang panahon di tulad ng dati na pumutok na ang gilid-gilid.

Nakakatuwa rin ang mga regalo ko noong Pasko. Spongebob na boxer shorts. Isang 4gig na flash drive [lalagyan ng porn hahaha!]. At isang lamp shade na hubo't hubad [titi nya yung switch].

Nagpapasalamat din ako sa mga nagmamahal kong kapamilya at kaibigan. Kasama na ang mga ka-suso.. Hehe..

12 ang nagmammahal

December 26th, 2008

glass glass glass

Posted by soulfly at 12:37 AM on December 26, 2008.

Ito ang unang taon na may kasama ako [nyebers] ng gabi ng Disyembre 24.

Nagbibidyoke pa sila sa ibaba. Pasado alas dose na pala.

Kasama ko siya. Hindi niya alam kung gaano kaimportante iyon sa akin.

Pero teka.

Alam ata niya.

Nakapikit na ako at akala niya tulog na ako nun.

Kaya hindi niya alam, nung halikan niya ako sa mata, alam ko.

Mahal ba niya ako? Aabot ba kami ng lima, sampung taon?

Basta ngayon magiging maluwag na ako. Di gaya ng dati.

Bata pa siya. Unti-unti niya akong natatanggap. Nahuhulog

ang mga bahagi ng sarili ko na parang mga piraso ng pigurin

habang naglalakad ako sa gitna ng kalsada.

Pinupulot niya ang mga iyon isa-isa.

Bakit hindi ko mamahalin ang nagsisikap na bumuo sa akin?

8 ang nagmammahal

December 24th, 2008

poopoo

Posted by soulfly at 02:03 AM on December 24, 2008.

Sense of smell ang first line of memory ko.

Kaya hindi ko makakalimutan na nakaapak ako ng tae at pumasok pa sa opisina. WAAAAHHH!!

May most embarassing moment na hindi ko ikukuwento sa inyo.

Pang-telenovela.

Hindi ako tinantanan ng baho. Parang simoy ng kabukiran

sa de-aircon na opisina. Contrast ng rural at urban. Agrikultural at industriya.

Amoy tae ng baka.

Naalala ko tuloy, dahil sagrado ang mga baka sa India,

kapag nakakikita sila ng mga tae ng baka sa kalsada nilalagyan pa nila ng bulaklak ng lotus.

Basta. Tama ang sabi nila na suwerte ang makaapak ng tae [pera ang ibig sabihin ng tae sa panaginip]

dahil unang beses kitang nakausap. Kahit pahapyaw lang.

4 ang nagmammahal

December 22nd, 2008

snuffed

Posted by soulfly at 02:35 AM on December 22, 2008.

Ilang beses binanggit ang salitang "snuff" sa pelikulang A Clockwork Orange ni Stanley Kubrick [galing sa nobela ni Anthony Burgess]. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na dito napulot ni Chuck Palahniuk ang title ng nobela niyang Snuff. Pero teka me mga tinatawag na "snuff films" kung saan ibini-video ang actual na pagpatay. "New porn" sabi nga ng isang karakter sa pelikulang Vacancy.

At saka pala sa sobrang gurang na ng pelikula yung bidang si Malcolm McDowell na ilang beses nagjubad [nagpakita pa ng wedgee]

ay the same actor ngayon na gumanap na Mr. Linderman sa Heroes.

5 ang nagmammahal

ngek! mali

Posted by soulfly at 01:55 AM on December 22, 2008.

Magkaiba pala ang hamon at hamonado.

Mga naisulat ko pa na tungkol sa Pamamasko..

Christmas Party

 

 

Nanalo si Tatay ng oven toaster sa pa-raffle.

Pag-uwi, ginising niya kami ni Obet

na bumangon, matang-manok, sa folding bed.

Sa lamesa, sa tabi ng isang nakaplastik na pansit,

nakaupo ang bago naming toaster,

nangingislap kay nanay na nananalamin.

 

May nanalo ng TV at electric fan, sabi ni Tatay.

 

Sana nakuha mo na lang ang washing machine,

panghihinayang ni Nanay, na tinimbang ang premyo

sa mga kamay niyang magagaspang.

Malala na si Gloria
[to the tune of Deck the Halls]

 

 

Promotor ng kutsinanggo
Malala lala na si Gloria

 

Eleksyon kanyang minando
Malala lala na si Gloria

 

Pati buhay ng mga tao
Malala lalala lalala

 

Lulusot pa huli na sa akto
Taknay da mo, Atseng Glo


Media raw ay sobrang brusko
Malala lala na si Gloria

 

Pag may kontra ayaw patalo
Malala lala na si Gloria

 

Pahindot sa Amerikano
Malala lalala lalala

 

Sa rallyista nag-ala Rambo
Taknay da mo, Atseng Glo! 


Babagsak na ang palasyo
Malala lala na si Gloria

 

Kapit-tuko talaga sa puwesto

Tsupi ka na diyan, Atseng Glo!

walang nagmamaha

December 20th, 2008

(Another) Holiday Post

Posted by kilawinguwak at 07:40 PM on December 20, 2008.

It's Christmas.

The weather's slowly turned chilly; you see more and more people out with their jackets, and there's a crispness in the air, like the slow, silent crumbling of Graham crackers, or the slow popping of popcorn in the microwave. But you can't hear it.

Out there, in the street, there's gaiety and fanfare, without really being fanfare because fanfare is always planned. The kid carolers, knocking on your door and throwing rocks when you act the scrooge. Bright lights, big city lights, all throughout the avenues, and you know that just down the street from the church you can pick up a steaming bibingka or puto bumbong with niyog and luscious butter.

In the pulpit, the priests are getting ready, celebrating the reason for the season and telling us that the son of God is at hand. On the other hand, stores have advertisements and hawkers telling everybody that Christmas means a variety of sales from both retail and wholesale just so you can make your loved ones smile maybe just a little bit more.

In the television, even the Catholic channels have advertisements.

If there were snow here, you'd see more couples walking slowly, arm-in-arm, enjoying the added proximity given by the need of warmth. It's a good thing it seldom rains in Christmas, at least here.

Funny isn't it? How in the midst of all this cheer, all it takes is a moment to stop and think, and to look inside of yourself and the realization that while you're happy, there's no avoiding that gaping hole of something that sits on your chest, keeping you from really saying that hey, it's the holiday.

It's the holiday.

That doesn't mean you're not happy. Happiness is multi-layered and while it takes a little bit of effort to expose the innermost bulb, it doesn't take much to get the tears flowing.

Tears fall to the ground at the rate of at least ten centimetres per second. Dusk comes in at approximately thirty minutes earlier at eight hours on the GMT. It takes a second for an instant message from across the globe to reach my computer. And yet, time marches on slowly.

In a couple of weeks, Christmas is over. In a few minutes, your bank account is a couple hundred pesos poorer. In a second, a tequila shot is gone, and after a five-second period of time when you slice a block of cheese, you have just taken away approximately 1% of the entire cheese.

1% in 5 seconds.

200 in 5 minutes.

2009 in 11 days.

And what changes?

Again this year, the days leading up to the holidays I greet with a stiff glass of Jim Beam and a poker face. I don't know how you celebrate your holidays folks, but Merry Christmas, for your sakes.

walang nagmamaha

Posted by soulfly at 03:53 AM on December 20, 2008.

Meri Krisismas

 

Bahaw ang kalantog ng latang tambol

Maingit ang kalansing ng mga yuping tansan

Malat ang tinig ng mga nangangaroling

“Pasensiya na kayo, kami rin ay namamasko...”

Meri, Meri Krisismas!

 

Maasim na ang ipinamudmod na hamonado

Inaamag na ang makunat na binolang keso

Lumalangoy sa sabaw ang fruit salad

Natusta pa ang tisikong binarbikyu

Meri, Meri Krisismas!

 

Pinaghahampas ng tax ang sahod

Ibinabalagbag ng tax ang 13th month

Daig mo pa’ng namamalimos ng bonus

Kandabundat naman ang mga teknokrats

Meri, Meri Krisismas!

 

Lagi na lang tiisismas
Bulsa ay ipit na ipitsismas

Taun-taong Krisismas

Dibdib ko ay labis nang nag-aaklas

Tindig na! ‘Wag nang ipagpabukas!

walang nagmamaha

December 19th, 2008

this week's makoyd

Posted by soulfly at 11:28 AM on December 19, 2008.

I looked at the heavens that night and there were no stars. Only darkness. As if we were inside a cave holding torches.

I was happy. I am happy most of the time. But this thing--whatever it is.. sadness.. regret..-- this thing flamethrows me up from the inside. Cold fire.

This entry contained scripting, which has been removed for your safety. Click here to see the entry in its entirety.

20 ang nagmammahal

« Newer | »